Paano mag-sign out sa Pandafile?

2 min basahin · Na-update 2026-11-14

Maikling sagot

Pumunta sa iyong Dashboard at pindutin ang Mag-sign out sa kanang itaas. Masa-sign out ang browser na gamit mo; patuloy na gagana ang mga transfer at link mo.

Mabilis lang mag-sign out, at wala itong binubura. Mananatiling online ang mga file mo hanggang mag-expire ang mga ito, at mada-download pa rin ng mga pinadalhan mo.

Paano mag-sign out

  1. I-click ang Dashboard sa itaas ng kahit anong page ng Pandafile.
  2. Pindutin ang Mag-sign out sa kanang itaas ng Dashboard.
  3. Babalik ka sa Pandafile bilang guest. Makikita ulit ang Mag-sign in sa itaas ng page.
Ang Iyong dashboard na naka-highlight ang button na Mag-sign out sa kanang itaas, sa ibabaw ng mga card na Plano at Naipadala ngayong buwan.
Nasa itaas ng iyong Dashboard ang Mag-sign out.

Ano ang ginagawa ng pag-sign out

  • Masa-sign out ang browser na gamit mo ngayon.
  • Mananatiling naka-sign in ang ibang device na pinag-sign in-an mo hanggang mag-sign out ka rin doon.
  • Hindi naaapektuhan ang mga transfer, download link at bayad na plan mo.
  • Patuloy na gagana ang mga natapos mong upload. Kung may upload pang tumatakbo, hintayin muna itong matapos bago ka mag-sign out.

Kailan ka dapat mag-sign out

Laging mag-sign out sa shared o pampublikong computer, gaya ng sa library, hotel o mesa ng katrabaho. Sa sarili mong phone o laptop, ayos lang na manatiling naka-sign in, para hindi ka na hihingi ng bagong code o link sa bawat pagkakataon.

Paglipat sa ibang email address

Isang email address lang ang naka-sign in sa Pandafile sa isang pagkakataon. Para gumamit ng ibang address, mag-sign out muna, saka mag-sign in ulit gamit ang isa pa.

Nawala ang device na naka-sign in?

Walang makakapag-download ng mga file mo o makakapagbago ng kahit ano nang wala ang mga link mo, pero puwedeng makita ng may hawak ng device mo ang listahan ng mga transfer mo at magbura ng mga transfer. Burahin ang anumang sensitibo mula sa ibang device sa iyong Dashboard, at mag-email sa hello@pandafile.co para matulungan ka naming i-secure ang account.

Handa nang magpadala?

Hanggang 50 GB nang libre bawat transfer, walang kailangang account.

Magpadala ng mga file